MGA DAHILAN NG PAGPAPAKAMATAY O PAGPAPATIWAKAL NG MGA KABATAAN(TEENAGER)
Wednesday, December 4, 2019
Ang aking napiling tema ay "KAALAMAN AY KAPANGYARIHAN" ito ang aking napiling tema dahil ang isang tao ay may kaalaman mas maraming magagawang bagay na hindi alam ng iba. May kapangyarihan ka kung madami kang nalalaman at natutunan. Dahil ang kaalaman ang siyang sandata na hindi makukuha sayo nino man dahil ito ay intangible at at ang kaalaman ay ang pinakamakapangyarihan na hindi mabibili at mananakaw sayo.
Monday, December 2, 2019
MGA DAHILAN NG PAGKAKAMATAY O PAGPAPATIWAKAL NG MGA KABATAAN(TEENAGER)
Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagkakamatay o pagpapatiwakal?
Ang salitang PAGPAPAKAMATAY ay galing sa salitang latin na SUICIDIUM na mula sa salitang SUI CAEDERE na ang ibig sabihin ay patayin ang sarili nang sinasadya.
Marami balita na ang kumakalat na mas lalong dumadami ang mga batang nagpapakamatay dahil sa iba't ibang dahilan ng problema. Bakit nga ba at ano ang mga kadahilanan kung bakit nagagawang magpakamatay ng isang tao? Ayon sa pag aaral na isinagawa ng mga dalubhasa, isa sa mga dahilan ng pagpapakamatay ng isang tao ay ang kawalan nito ng pag asa, mental disorder, bipolar disorder, depresiyon, peer pressure, family problem, pagkalulong sa alak at droga at iba pa. Ang nararamdamang matinding stress sanhi ng napakalaking problemang pinansiyal at hindi magandang resulta ng pakikipagrelasyon ay nagiging sanhi rin ito ng pagpapakamatay ng isang indibidwal. Sinasabing mas maraming kabataang babae ang nagiging biktima ng depresiyon kaysa sa lalaki. Posibleng dahilan ng stress na dulot ng pisikal at emosyonal na pananakit, pambabastos, o seksuwal na pang aabuso, na kadalasan na nararanasan ng mga babae. Ayon sa isang propesyonal na tagapagpayu, kapag ang masasamang pangyayari sa buhay ay sumabay sa emosyonal na problema ng isang kabataan, kadalasan nang napakahirap nitong harapin at nakalilito. Mayroon ding nagpapakamatay para lamang takasan ang nararanasan nilang problema, mga pang aapi, mga hindi makatwirang mga pang huhusga, at mga sekswal na pang aabuso. Ang pagkakaroon ng malubhang karamdaman at walang kakayahang magpagamot ay isa rin ito sa mga anggulong nakikita kung bakit nagpapakamatay ang isang tao.
Kung ikaw ay nakararanas ng depresyon, huwag hayaan na ito ay lumala at humantong sa pagpapatiwakal. Huwag mag isip ng mga bagay na nakakasama sa iyong sarili o overthinking dahil isa rin ito sa mga dahilan. Makihalobilo sa mga tao sa paligid at iwasan ang mapag isa. Hangga't maari umiwas sa mga nakakastress na sitwasyon. Mag exercise dahil kapag ang isang taong palaging nsg eexercise, mas natatangal ang mga negative energy sa katawan at nakakatulong din ito sa mental state ng isang tao. Pero ang dapat magpatnubay at gumabay rito ay ang mga magulang. Obligasyong bantayan at alagaan ng mga magulang ang kani kanilang mga anak dahil wala pa sila sa kanilang tamang landas at dapat itong patnubayan upang hindi hahantong ang mga kabataan sa masasamang bagay. Bigyang atensyon at oras ng mga magulang ang kani kanilang anak upang mas tumibay ang relasyon ng bawat isa. Kung may problema ang anak, bigyang atensyion at solusyon upang maibsan ang problema ng mga anak upang hindi humantong sa pagpapakamatay o pagpapatiwakal. Dahil sa bawat problema ay may solusyon hindi ang pagpapatiwakal ang solusyon dito kundi ang sarili mo lamang dahil ang makapagpapagamot dito ay iyong sarili lamang at upang maiwasan ito at magsimula muli. Ipagpatuloy ang buhay dahil hindi problema ang nagpapaikot sa mundo.Be a better person and always look at the bright side.

Subscribe to:
Posts (Atom)